PAALALA TUNGKOL SA "SOCIAL DISTANCING" CAMPAIGN NG SOUTH KOREA

By: Embassy of the Republic of the Philippines, Seoul

Nagpapasalamat ang Pasuguan ng Pilipinas sa kooperasyon ng ating mga kababayan sa SOCIAL DISTANCING Campaign ng pamahalaan ng South Korea. Kaugnay nito, nais paalalahanan ng Pasuguan ng Pilipinas ang ating mga kababayan sa South Korea na ipagpatuloy ang pagsunod sa SOCIAL DISTANCING na ipinapatupad ng pamahalaan ng Korea upang malabanan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Ang kampanyang ito ay ipinapatupad hanggang ika-5 ng Abril. Ang mga lumalabag sa SOCIAL DISTANCING ay maaaring masampahan ng kaso ng Gobyerno ng Korea.

"According to Article 49-1-2 of the Infectious Disease Control and Prevention Act, violating facilities will be penalized with an amount of KRW 3 million, and in case a confirmed case should occur, compensation for damages, including costs for hospitalization, treatment, and disinfection shall be requested.
Suspected patients violating self-quarantine or hospitalization shall be imposed a maximum fine of KRW 10 million or maximum 1 year imprisonment."

Dahil dito, ang Pasuguan ay nakikiusap sa mga kababayan na pansamantalang itigil muna ang kahit na ano pa mang pagtitipon habang ang SOCIAL DISTANCING ay pinapatupad sa Korea.
Ang ating pakikipagtulungan sa pamahalaan at pamayanan ay mahalaga upang masugpo ang COVID-19. END

28 March 2020