#PINOYFOODINKOREA CHALLENGE

By: Embassy of the Republic of the Philippines, Seoul

Magandang Balita mga Kabayan!

Ang #PinoyFoodinKorea food challenge ay extended na hangang July 12, 2021.

Upang sumali sa food challenge, sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:

1) Lumikha ng isang Pinoy food video,
2) I-upload ang inyong video sa Instagram, Facebook, Tiktok, o Youtube,
3) Gumamit ng mga hashtags na #PinoyFoodinKorea at #????????inKorea, at
4) Gawing pampubliko ang iyong video (hindi mabibilang ang iyong entry kung ito'y pribado).

Mga karagdagang tips sa inyong Pinoy food video:

1) Ito ay maaaring nasa wikang Ingles, Filipino, Korean o background music lang.
2) Hangga't maaari, ang video ay maikli at hindi lalagpas sa tatlong (3) minuto.
3) Maaring lumikha at magpadala ng maraming entry ang bawa't isa.
4) Ito rin ay maaring naglalaman ng iyong pagluluto, pagkain (mukbang style) ng Pinoy food, tourist spot sa Pilipinas bilang background o anumang anggulo ng kwento, hangga't ito'y masaya, malikhain, at hindi bulgar o nakakapanakit.
5) Hinihikayat namin ang paggamit ng mga sangkap o produktong pagkain ng Pilipinas na mabibili sa Korea.
6) Ang food challenge na ito ay para lamang sa mga kababayan natin, mga Koreyano, at ibang lahi na kasalukuyang naninirahan sa Korea.

Ano pa ang hinihintay mo, sali na at manalo ng mga papremyo!