2021 Paskong Pinoy sa Korea

By: Embassy of the Republic of the Philippines, SEOUL

Malugod pong inaanyayahan ng Pasuguan ng Pilipinas ang ating mga kababayan sa South Korea upang makilahok sa online 2021 Paskong Pinoy sa Korea na gaganapin sa ika-5 ng Disyembre, Linggo, mula alas tres hanggang alas singko y'medya ng hapon (3:00-5:30 PM).

Ang birtwal na programa ay tulong-tulong na pinaghandaan ng ating Filipino Community dito sa South Korea kasama ang POLO OWWA bilang handog sa ating mga kababayan sa panahon ng kapaskuhan.

Upang sumali, magpa-rehistro sa https://form.jotform.com/213108983218053

Magkita-kita po tayo! -END-