INFORMATION SESSION ON KIIP AND HRDK TRAININGS FOR EPS WORKERS

By: Embassy of the Republic of the Philippines, SEOUL

"Nais niyo bang umattend ng free Korean Language and Culture Training sa Korean Immigration and Integration Program (KIIP) at iba pang vocational skills training?"

Inaanyayahan ng Embahada, kasama ang POLO OWWA at Itaewon Global Village Center, ang ating mga EPS workers na sumali sa isang Information Session on KIIP and HRDK Trainings for EPS Workers na gaganapin ngayong ika-12 ng Pebrero 2023, Linggo, 10:00AM-12:00PM sa Conference Hall ng Embahada.

Ang programang ito ay bilang pagtugon ng Embahada sa kahilingan ng ating mga EPS workers upang maturuan ng aktwal na pag-rehistro at pag-enroll sa KIIP. Para sa mga sasali, magdala po ng laptop na gagamitin sa workshop.

I-click lamang po ang https://bit.ly/KIIPTutorial or Qcode sa poster na kalakip upang makapag-parehistro. Magkita-kita po tayo!