Para sa taong ito, ang Buwan ng Wikang Pambansa ay may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya" na sumasalamin sa napakahalagang papel na ginagampanan ng wika bilang lunsaran ng pagpapalaya mula sa karahasan sa kaisipan, kamalayan, kahirapan, katayuan, at kamangmangan.
"Salaysay ng Bayan, Saysay ng Bansa" naman ang tema ng Buwan ng Kasaysayan na naglalayong itampok ang kahalagahan ng kasaysayang pampook bilang mahalagang salik sa pagbubuo ng pambansang kasaysayan. Kapag inilagay natin ang ating mga sarili sa konteksto ng ating mga pook na tinitirhan, pinag-aaralan, o pinagtatrabahuhan, lalo tayong napapalapit sa ating nakaraan at sa mga aral na maari nitong ituro sa atin.
Bilang pagdiriwang, nag-organisa ang Embahada ng mga sumusunod na aktibidad: Eskwelahan sa Embahada at Palarong Pinoy at Araw ng Pamilya (Family Day). Bisitahin ang aming opisyal na FB page para sa karagdagang detalye sa mga aktibidad. Salamat po.