![]() |
• HOME › ANNOUNCEMENTS › Paunawa Tungkol sa Pasaporte... |
Nakarating sa kaalaman ng Embahada na may mga kababayan tayo sa Korea na nagsasanla ng kanilang pasaporte sa ibang tao o grupo para makautang . Ito po ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ng Pilipinas sa kadahilanang ang pasaporte ay pag-aari ng Pamahalaan ng Pilipinas. Ipinapaalala sa lahat na mapipilitan ang Embahada na ipaalam sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa Maynila ang mga pangalan ng nagsasanla para maimbestigahan. Maaaring kanselahin ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas ang pasaporte ng mga lumalabag sa batas ng wastong paggamit ng pasaporte.