REACTIVATION OF OVERSEAS VOTER REGISTRATION, UP TO 9 DECEMBER 2015

By: Embassy of the Republic of the Philippines

Ang lahat ng mga deactivated Filipino overseas voters sa South Korea ay maaring makapagpareactivate ng overseas voter registration hanggang ika-9 ng Disyembre 2015. Matatandaang, isinapubliko ng Embahada sa pamamagitan ng official facebook account nito ang listahan ng mga deactivated voters noong Setyembre 2015.

Nangangahulugan lamang na bagamat ang itinalagang deadline ng filing ng aplikasyon sa Embahada para sa overseas voter registration ay sa ika-29 ng Oktubre 2015, ang aplikasyon para sa REACTIVATION ay maaaring maisumite hanggang ika-9 ng Disyembre 2015 gaya ng nabanggit. Ang extension ay alinsunod sa pagpupulong ng COMELEC en Banc na ginanap noong ika-6 ng Oktubre 2015.

Maaaring ipadala ang aplikasyon sa pamamagitan ng pag-email sa overseasvoting.reactivation@comelec.gov.ph o pagfa-fax sa (+632) 521-2952. Maaari ring magtungo at magsumite sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul mula Lunes hanggang Huwebes (9am-3pm) at Linggo (9am - 4pm).

Salamat po!