TARA NA, MAKILAHOK. MAKIALAM. BUMOTO SA 2016 HALALAN

By: Embassy of the Republic of the Philippines, Seoul

Araw-araw mula ika-9 ng Abril 2016 hanggang ika-9 ng Mayo 2016, isinasagawa sa Rizal Hall ng Philippine Embassy sa Seoul ang OVERSEAS VOTING para sa mga Filipinong botante sa South Korea.

Magkakaroon din ng Mobile Voting sa mga sumusunod na lugar:

? Busan, ika-22-23 ng Abril 2016
? Daegu, ika-29-30 ng Abril 2016

Maaari ring i-avail ang Postal Voting hanggang ika-22 ng Abril 2016. Ang form ay maaaring makuha sa Embahada o sa facebook account nito na “Embahada Pilipinas”. Gamitin lamang ang hashtag na #postalvotingkorea upang madaling mahanap ang FB post.
Maaaring bumoto ng 1 Presidente, 1 Vise-Presidente, 12 Senador, at 1 Party-list organization!

Huwag sayangin ang inyong pagkakataon!
PILI na PILIPINAS!