2025 SPECIAL VOLUNTARY DEPARTURE PROGRAM (SVDP) PARA SA MGA UNDOCUMENTED FOREIGN RESIDENTS
Para sa: Lahat ng Foreign Residents na Walang Legal na Status (Undocumented)
Ang Ministry of Justice ng South Korea ay naglulunsad muli ng "Special Voluntary Departure Program" (SVDP) para sa mga dayuhang residente na walang legal na status (undocumented) na nais kusang umalis sa South Korea sa itinakdang panahon.
Ito ay nagsimula noong Disyembre 1, 2025(Lunes) hanggang Pebrero 28, 2026(Sabado).
MGA BENEPISYO (BENEFITS):
- Pag-iwas sa Multa (Fine Exemption): Hindi kayo pagmumultahin para sa inyong illegal stay.
- Suspension ng Entry Restriction: Bawasan ang bawal na pagpasok (entry ban) sa hinaharap.
SINO ANG PWEDENG MAG-APPLY (ELIGIBILITY):
- Mga undocumented foreign residents na kusang aalis sa South Korea sa loob ng itinakdang panahon.
SINO ANG HINDI PWEDENG MAG-APPLY (EXCLUSIONS):
- Mga ilegal na pumasok sa bansa (hal. tumawid sa border).
- Mga gumamit ng peke o binagong pasaporte.
- Mga may kasong kriminal o tumangging sumunod sa previous departure order.
- Mga naging undocumented pagkatapos ng December 1, 2025.
PAANO MAG-APPLY:
- Bisitahin ang website ng Korea Immigration Service (KIS) para sa kumpletong detalye, mga kinakailangang dokumento, at proseso.
- Maaari ring tumawag sa Immigration Contact Center sa 1345 para sa karagdagang impormasyon.
KARAGDAGANG BENEPISYO: Para sa mga undocumented OFWs na lalahok sa naturang programa, maaari rin silang makipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers, National Reintegration Center for (OFWs) upang alamin ang mga mekanismo ng tulong ng DMW na naglalayong tulungan ang mga Overseas Filipino workers kasama ang mga undocumented Overseas Filipinos na gusto ng bumalik at makapagsimulang muli ng buhay sa Pilipinas.
Para sa karagdang impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO):
Blas F. Ople Building, Ortigas Ave., Cor. EDSA Ave., Mandaluyong City 1555
nrco@dmw.gov.ph
https://www.facebook.com/NRCOCentral
(02) 8722 1161
END.


January 16, 2026
January 16, 2026
January 15, 2026
