EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

BAGONG GLOBAL ONLINE PASSPORT APPOINTMENT SYSTEM


Ipinapaalam sa publiko na mula ika - 31 ng Disyembre 2021, lahat ng appointments sa Pasuguan ng Pilipinas sa Seoul para sa aplikasyon at renewal ng pasaporte ay maari nang makuha gamit ang Global Online Appointment System (GOAS) ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas (DFA-Philippines). Ipinapaalam din sa publiko na ang lahat ng appointment para sa aplikasyon at renewal ng passport sa buong mundo ay maari lamang makuha sa pamamagitan ng DFA-GOAS.

Ang GOAS online passport appointment system ay matatagpuan sa sumusunod na website: www.passport.gov.ph.



Ang mga aplikanteng nakakuha na ng appointment para sa 2022 at sa mga natitirang araw ng 2021 ay hindi na kailangan kumuha ng panibagong appointment gamit ang GOAS.

Ang mga aplikanteng senior citizens, PWDs, mga nagdadalang tao, at mga menor de edad na pitong (7) taong gulang kasama ang magulang ay hindi na kinakailangang kumuha ng appointment online.

Para sa mga ibang serbisyong konsular (Notarials, Dual Citizenship Retention/Reacquisition, Civil Registry, NBI, and Travel Documents, at iba), tuloy ang paggamit ng umiiral na sistema sa paggawa ng appointment.

Para sa mga mag-a-apply ng Philippine Visa, patuloy ang pagtanggap ng mga aplikanteng "walk-in" at ipinapairal ang sistemang "first-come, first-served".

Maari ding gumawa ng appointment at magsumite ng requirements sa online portal na visa.gov.ph.

Maraming salamat po sa pag-unawa at atensiyon.

Ika-14 ng Disyembre 2021

Other Announcements And Advisories


August 07, 2025
ANNOUNCEMENT: CONSULAR OUTREACH IN JEJU, 30-31 AUGUST 2025

The Philippine Embassy wishes to inform the Filipino community that it will conduct a Consular Outreach in Jeju on 30 August 2025 (9:00 AM-6:00 PM) Jeju Counseling Center for Women Migrants, 5, Donam-ro 15-gil, Jeju-si, Jeju-do and 31 August 2025 (8:00 am-12 nn) Citizens’ Welfare Town Plaza, 286, Yeonsam-ro, Jeju-si, Jeju-do, Republic of Korea.

Read More
August 03, 2025
Palarong Pinoy at Family Day sa Jeju! 31 August 2025

The Philippine Embassy warmly invites everyone to the Palarong Pinoy at Family Day sa Jeju! The 3rd edition of the Palarong Pinoy and Family Day event will be held on Sunday, 31 August 2025 from 8:00 A.M. to 12:00 N.N. at the Citizen's Welfare (Shimin Bokji) Town Plaza, 286, Yeonsam-ro, Jeju-si, Jeju-do. 

Read More
July 26, 2025
Listahan ng mga Kalahok sa MWO-OWWA Skills Training Program na Baking 101 sa August 2025

MAHALAGANG PABATID! Narito na po ang opisyal na listahan ng mga kalahok sa darating na Skills Training Program na “BAKING 101” na gaganapin tuwing Linggo mula sa Agosto 3 hanggang Agosto 24, 2025, mula 1:00PM to 5:00PM, sa 3rd Floor, MWO OWWA Bldg., likod ng Embahada.

Read More