EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

BASAHIN: BABALA UKOL SA PANGUNGUTANG SA SOUTH KOREA


Pinapaalalahanan ng Embahada ng Republika ng Pilipinas sa Seoul ang lahat ng Pilipino na ang pangungutang at hindi pagbabayad ng utang ay mga transaksyong may kaakibat na pananagutan sa ilalim ng batas ng Republika ng Korea.

Ayon sa Chapter XXXIX, Art. 347 ng Criminal Act ng South Korea, maaaring makasuhan ng "fraud" ang isang tao na nangutang ngunit walang intensiyong magbayad sa simula pa lamang. Maari ring masampahan ng kasong sibil ang isang taong hindi nagbayad alinsunod sa pinagkasunduan.

Hinihikayat ng Embahada ang lahat ng ating kababayan na maging responsable sa pangungutang at mag-ingat sa pagpapautang o pagpasok sa mga di-kilalang pamumuhunan o investment scheme. Ang sino mang naging biktima ng mga ganitong mapanlinlang na transaksyon ay hinihikayat na dumulog sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya at magsampa ng reklamo laban sa mga may pananagutan.

Maraming salamat po.

Other Announcements And Advisories


October 01, 2025
ANNOUNCEMENT: CONSULAR OUTREACH IN GIMHAE, 18-19 OCTOBER 2025

The Philippine Embassy wishes to inform the Filipino community that it will conduct a Consular Outreach in Gimhae on 18 October 2025 (12:00 NN-7:00 PM)  and 19 October 2025 (9:00 AM-12:00 NN) at FASIGKO Office - 2nd floor, 956-4 Dongsang-dong, Gimhae-si (김해시 동상동 956-4번지 2층.

Read More
September 09, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR OCTOBER 2025

Those who have confirmed appointments with the Consular Section of the Embassy on these dates may walk in -- without an appointment -- on any other date, between Sunday and Thursday, from 9:30 am to 4:30 pm, during the month of October 2025. 

Read More
September 08, 2025
BASIC BARISTA TRAINING sa ika-14, 21 at 28 ng Setyembre 2025

Narito na po ang opisyal na listahan ng mga kalahok sa darating na Skills Training Program na “BASIC BARISTA TRAINING” na gaganapin sa Setyembre 14, 21 at 28, 2025, mula 1:00PM to 5:00PM. Setyembre 14:  2nd Flr, Sentro Rizal, Philippine EmbassySetyembre 21 & 28: TBA Ito po ay LIBRE. Para sa karagdagang katanungan maaaring tumawag sa OWWA sa 010-6598-9338 / 010-5177-8777. Limited slots po ito kaya sa mga hindi po nakasali sa 2 Batches ay maghintay na lamang po ng susunod na taon. PAALALA, ang lahat po ng nasa listahan ay kailangang maka-attend sa Sept 14 upang makatuloy sa susunod na session. Maraming salamat po!

Read More