EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

BASAHIN: DIGITAL OVERSEAS VOTER'S ID NOW AVAILABLE


Ipinapaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul na maaari nang makatanggap ng Digital Overseas Voter's ID mula sa Commission on Elections-Office for Overseas Voting (COMELEC-OFOV) ang mga Filipino na nakarehistrong bumoto sa South Korea, ayon sa mga sumusunod na hakbang:

  1. Tingnan ang Sertipikadong Listahan (hanggang 31 Marso 2024) sa https://bit.ly/SouthKoreaCLOVMar2024 at suriin kung kayo po ay rehistradong Overseas Voter sa ilalim ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul, South Korea.
  2. Kung kayo po ay kabilang sa nasabing listahan, i-click ang link na ito https://bit.ly/digitalvoterIDsouthkorea o kaya ay i-scan ang QR-Code, sagutan at i-submit ang request form.
  3. Ang inyong Digital Overseas Voter's ID, kasama ang mga tagubilin kung paano ito i-download, ay ipapadala sa inyong email address na isinulat sa request form.

Tandaan po lamang na walang mga naka-imprentang kopya ng ID ang maipagkakaloob sa ngayon. At muli pong pinapaalala sa mga hindi pa nakarehistro na ang Overseas Voter Registration ay hanggang ika-30 ng Septiembre 2024 na lamang po.

Para sa anumang katanungan, mangyaring mag-email po lamang sa overseasvoting@philembassy-seoul.com.

Salamat po.

Other Announcements And Advisories


January 22, 2025
2025 LIVELIHOOD SKILLS TRAINING AND HEALTH AND WELLNESS PROGRAM

Muling inaanyayahan ng Embahada at MWO OWWA ang mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa South Korea na makilahok sa pagpapatuloy ng Livelihood Skills Trainings at Health & Wellness Programs simula buwan ng Pebrero!

Read More
January 20, 2025
2025 Jeju Forum Young Leaders Program

Calling all Filipino Young Leaders! The Jeju Forum for Peace and Prosperity is inviting interested participants to join the 2025 Jeju Forum Young Leaders Program that will take place from 28 to 30 May 2025 in Jeju.

Read More
January 13, 2025
PAANYAYA: Financial Management Entrepreneurship & Investment Seminar, ika-1 ng Pebrero 2025 (Sabado), mula 1:00PM to 5:00 PM

Isang paanyaya mula sa Embahada ng Pilipinas, MWO-OWWA at DICM, para sa ating mga kababayang OFWs sa South Korea na sumali sa “Financial Management Entrepreneurship & Investment Seminar” na gaganapin sa ika-1 ng Pebrero 2025 (Sabado), mula 1:00PM to 5:00 PM sa 2F Sentro Rizal Hall ng Embahada, na katatampukan ng kilalang entrepreneur na si Mr. Chinkee Tan at ni Bishop Ariel Bernardo bilang resource persons.

Read More