EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS


1.Ano ba ang bagong patakaran ng Korea Immigration Service (KIS)- Simula sa 1 Hulyo 2021, ang panahon ng pananatili ng mga foreigner ay ibibigay ng KIS sa loob lamang ng panahon ng bisa ng pasaporte.

2. Sino-sino ang maapektuhan ng bagong patakaran?

Ang bagong patakaran ng KIS ay para sa lahat ng mga foreigner na may hawak ng kahit na anong valid Korean visa, MALIBAN SA MGA SUMUSUNOD:

- F-5/ Permanent Resident Visa
- F-2-4/ Refugee Visa
- G-1-6/ Humanitarian Visa
Kung ang iyong hawak na Korean visa ay hindi nakalista sa taas (halimbawa: F-6, E-9, E-7, atbp.), ikaw ay apektado ng bagong patakaran.
3. Nag-extend ako ng aking Korean visa noong (petsa bago dumating ang 01 July 2021), apektado ba ako ng mga bagong alituntunin?

Ang bagong patakaran ng KIS ay ipapatupad simula ika-1 ng Hulyo, 2021.

Ang mga manggagawang sakop ng Employment Permit System (EPS) na mag-e-extend ng visa para sa pangalawang sojourn (karagdagang 1 year at 10 months) bago ang ika-1 ng Hulyo, 2021, ay hindi maapektuhan ng bagong alituntunin.

4. Ako ay isang dual Filipino-Korean citizen. Apektado ba ako ng bagong patakaran?

Ang patakarang ito ay para lamang sa mga foreigner at hindi para sa mga Korean citizens.

5. Ako ay isa sa mga maapektuhan ng bagong patakaran ng KIS. Gusto kong mag pa-renew ng passport bago ako mag-apply ng visa extension ngunit puno na ang schedule ng Embahada. Ano ang pwede kong gawin?
Kung ikaw ay isa sa mga maapektuhan ng pagbabagong ipapatupad ng KIS simula ika-1 ng Hulyo 2021, maari lamang na mag-email sa consular@philembassy-seoul.com para kayo ay mahanapan ng mas maagang appointment bago ang inyong visa application. Paki-lakip ang kopya ng data page ng inyong passport, contact numbers, at maikling paliwanag tungkol sa inyong sitwasyon. END

08 April 2021

Other Announcements And Advisories


June 02, 2026
WORKSHOP ON EMPOWERING FILIPINO MIGRANT WORKERS IN SOUTH KOREA THROUGH STRATEGIC COMMUNICATION AND LEADERSHIP, 26 JULY 2026

Calling all Filipino Community Leaders, Filipino migrants, EPS shift/team leaders, sports organizers, community spokespersons, church and choir coordinators, and aspiring leaders across South Korea!

Read More
June 02, 2026
MWO & OWWA South Korea Livelihood Skills Training Program in cooperation with TESDA

Level up your knowledge and skills through the Livelihood Skills Training Program organized by the Philippine Embassy in Seoul, through the MWO & OWWA South Korea, in cooperation with TESDA. 

Read More
May 28, 2026
Pistang Pinoy sa Korea 2026, 14 June 2026

Bilang paggunita sa 128th Philippine Independence Day at 31st Migrant Workers Day, inaanyayahan ang lahat ng mga kababayan dito sa Korea, pamilya, at mga kaibigan na makiisa sa isang araw na puno ng saya, pagmamalaki, at bayanihan!

Read More