EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

Human Swine Influenza


Panimula Kamakailan lang ay may naiulat na mga kumpirmadong kaso ng mga taong nahawaan ng swine influenza A/H1N1 (swine flu) sa Mexico at ilan pang mga bansa. Ang swine flu virus, na unangn natuklasan na kumakalat sa mga baboy, ay napatunayang lumalaganap paminsan-minsan sa tao. Sa kasalukuyan, nagkaroon ng seryosong paglaganap (outbreak) ng virus sa ilang bansa.

Mga Sintomas Ang mga sintomas ng human swine influenza ay karaniwang katulad sa ordinaryong influenza (trangkaso). Kasama dito ang lagnat, panghihina, kawalan ng ganang kumain at pag-ubo. Ang ilang mga taong nahawaan ng swine flu ay maaaring makaranas din ng baradong ilong, namamagang lalamunan, pagkahilo, pagsusuka at pagtatae. Paraan ng Paglaganap Ang paglaganap sa tao ng swine flu ay pinaniniwalaang pareho sa paglaganap ng ordinaryong trangkaso. Ito ay sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Maari ring mahawahan ang isang tao sa pamamagitan ng paghawak sa mga bagay na nabahidan ng virus, karugtong ng paghipo o paghawak niya ng kaniyang ilong or bibig. Wala pang pagpapatunay na lumalaganap ang swine flu sa pamamagitan ng pagkain; kasama na dito ang ulam na baboy na wastong nahanda. Ang pagluto ng pagkain sa temperatura na higit sa 70C (160 F) ay kailangan para mamatay ang virus na nasa pagkain. Pangangasiwa Ang mga taong merong sintomas ng trangkaso ay dapat magsuot ng N95 mask at kumosulta kaagad sa doctor. Ang mga nakapunta sa mga lugar na naapektuhan o nalantad sa mga may sakit ay dapat sabihin sa doctor ang mga detalye ng kanilang pagbibiyahe at pakikipag-ugnayan. Ang mga antiviral agents (mga gamut na pangkontra sa virus tulad ng Tamiflu) ay maaaring makabawas sa paglala at pagtagal ng karamdaman pero itong mga ito ay dapat lamang gamitin ayon sa payo at reseta ng doctor. Pag-iwas sa Sakit Dahil ang bagong H1N1 swine flu ay ibang-iba sa mga naunang H1N1 virus, ang mga bakuna para sa ordinaryong trangkaso ay hindi magkakaloob ng proteksyon laban sa swine flu. Dapat sumunod ang publiko sa mga sumusunod na payo para maiwasan anf swine flu: Dapat sumunod ang publiko sa mga sumusunod na payo para maiwasan anf swine flu: a) Panatilihing malinis at hugasan ng mainam ang mga kamay. Maaring gumamit ng pamahid sa kamay na base sa alcohol. b) Iwasan ang paghipo sa bibig, ilong at mga mata. c) Agad na hugasan ng sabon ang mga kamay kung ang mga ito ay nabahiran ng sipon, laway o plema (mga respiratory excretions). d) Takpan ang ilong at bibig kapag bumabahing o umuubo. e) Huwag dumura. Parating balutin ng tisyu ang mga lumalabas na galing sa ilong at bibig at itapon ng maayos ang tisyu sa basurahan na may takip. f) Magsuot ng N95 mask kapag nakaranas na ng mga sintomas ng trangkaso. Magpatingin kaagad sa doctor. g) Huwag pumasok sa trabaho o paaralan kung ikaw ay nagkaroon na ng mga sintomas ng trangkaso. Iwasan ang pagbiyahe sa mga naapektuhang lugar maliban kung ito ay talagang kailangan, Kung hindi maiwasan ang nasabing pagbiyahe. a) Habang nagbibiyahe: magsuot ng N95 mast at huwag dumikit sa mga taong may sakit. b) Sa pagbalik: suriin ang inyong kalusugan at magsuot ng N95 mask sa loob ng pitong araw. Kaagad na kumonsulta sa mga pampbulikong klinika o mga ospital kung kayo ay nagkaroon ng ng lagnat o ng mga sintomas ng trangkaso.

Other Announcements And Advisories


July 26, 2025
Listahan ng mga Kalahok sa MWO-OWWA Skills Training Program na Baking 101 sa August 2025

MAHALAGANG PABATID! Narito na po ang opisyal na listahan ng mga kalahok sa darating na Skills Training Program na “BAKING 101” na gaganapin tuwing Linggo mula sa Agosto 3 hanggang Agosto 24, 2025, mula 1:00PM to 5:00PM, sa 3rd Floor, MWO OWWA Bldg., likod ng Embahada.

Read More
July 23, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR AUGUST 2025

Those who have confirmed appointments with the Consular Section of the Embassy on these dates may walk in -- without an appointment -- on any other date, between Sunday and Thursday, from 9:30 am to 4:30 pm, during the month of August 2025. 

Read More
July 22, 2025
Eskwelahan sa Embahada 2025, 10 August 2025 (Sunday), Sentro Rizal Hall, 2/F Philippine Embassy in Seoul

ANNOUNCEMENT: The Embassy is pleased to invite Filipino children and children of Filipino multicultural families to the third Eskwelahan sa Embahada 2025 on Sunday, 10 August 2025 from 2:00 p.m. to 5:00 p.m. at the Sentro Rizal, 2/F, Philippine Embassy, Seoul.

Read More