EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

MAHALAGANG PAALAALA PARA SA MGA OVERSEAS FILIPINO VOTERS SA KOREA


• Nais pong ipabatid ng Pasuguan ng Pilipinas sa ating mga kababayan sa South Korea na ibinalik sa Embahada ng Korea Post ang mga mailing packets (na naglalaman ng blankong balota galling sa COMELEC, security seal at voting instructions) na aming ipinadala dahil sa mali o kulang na address na naibigay ng mga botante sa pagrehistro sa COMELEC. Dahil dito, at dahil na rin sa kagustuhan ng nakararami, ang mga mailing packets ay maaring kunin ng botante sa Embahada. Ang lahat ng rehistradong botante ay inaanyayahang bumisita sa lalong madaling panahon sa Embahada o bago mag-ika 13 ng Mayo 2019 (cut-off time 5pm) para personal na kunin ang kanilang mga mailing packets. Para makuha ang inyong mga mailing packets, ang mga rehistradong botante ay maaring magtungo sa Embahada at magdala lamang ng identification card (e.g. Passport, Alien Registration Card o Voter's ID galling sa COMELEC).

• Para sa mga rehistradong botante na hindi makakapunta sa Embahada dahil sa kanilang trabaho o dahil sa malayo sa Seoul and kanilang tirahan, mangyari po lamang na ipaalam sa Embahada sa lalong madaling panahon ang inyong tama at kumpletong mailing address kasama ang postal codes (sa wikang Korean) upang maipadala ng Embahada ang inyong mga mailing packets sa pamamagitan ng Korea Post Office. (Example: ?? ??? ??? ??? 3 ? 30 304 ? 30174). Maaring i-email ang inyong kumpletong pangalan at kumpletong address sa ovformailing@philembassy-seoul.com hangang sa 26 April 2019 lamang upang magkaroon ng sapat na oras sa pagpapadala.

• Nais din po naming ipaalala sa ating mga kababayan na para sa Halalan ngayong 2019, inatasan ng COMELEC ang Embahada na ipatupad and Automated Postal Voting. Para sa voting method na ito, ang mga rehistradong botante ay maaaring mag-kumpleto ng kanilang mga balota sa Voting Area sa Embahada. Ang kumpletong balota ay ilalagay sa selyadong sobre at ipapasok sa tinakdang Ballot Receptacle sa Embahada. Hindi tulad noong Halalan 2016, sa Automated Postal Voting method na inatas ng COMELEC, hindi maaaring personal na ipasok ng botante ang kanilang mga balota sa Vote Counting Machine (VCM). Ang mga matatangap na balota ay maari lamang buksan ng mga COMELEC-deputized na opisyal ng Embahada tuwing Lunes at Huwebes na magsisimula ng alas-9 ng umaga para sa pagpasok nito sa VCM.

• Para sa mga kababayan natin na magtutungo sa Embahada para personal na kunin, kumpletuhin at ibalik ang kanilang mga balota, mayroong itinakdang Overseas Voting room sa ikalawang palapag ng Embahada. Tanging mga botante lamang po ang may pahintulot na pumasok sa OV room. Pinapaalalahanan lamang po namin ang lahat na hindi maaring kumuha ng litrato o video sa naturang silid.

Salamat po sa inyong kooperasyon.

Other Announcements And Advisories


October 19, 2026
ADVISORY FROM PAG-IBIG FUND KOREA OFFICE FOR 25 OCTOBER 2026

The Philippine Embassy in Seoul wishes to inform the Filipino community that the Pag-IBIG Fund Korea office will be closed on Sunday, 25 October 2026, as the office will conduct onsite service in Changwon City.

Read More
October 18, 2026
ADVISORY: TEMPORARY CLOSURE OF SSS SEOUL, 20-22 OCTOBER AND 27-29 OCTOBER 2026

20-22 October 202627-29 October 2026During these periods, all over-the-counter services and in-person transactions will be unavailable. For inquiries you may send an email to korea@sss.gov.ph  Thank you.

Read More
October 15, 2026
ANNOUNCEMENT: MOBILE CONSULAR SERVICE AND OVERSEAS VOTERS REGISTRATION IN INCHEON

The Philippine Embassy will conduct a Mobile Consular Service in Incheon on 24 October 2026 (Saturday) from 1:00pm to 6:00pm.

Read More