EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

MAHALAGANG PAALALA TUNGKOL SA CONSULAR SERVICES AT PAG-IINGAT SA COVID-19


Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 dito sa South Korea, narito ang ilang paalala mula sa Pasuguan ng Pilipinas:

1. Pumunta lamang sa Embahada kung ang kinakailangang serbisyo ay maituturing na urgent o emergency;

2. Ang mga taong may transaksyon lamang ang maaaring pumasok sa loob ng Embahada, at hindi na kailangan magsama pa ng iba (kaibigan man o kamag-anak) maliban na lamang kung sila ay kasama ng: (1) aplikanteng menor de edad o (2) mga taong may kapansanan o persons with disability (PWD);

3. Para sa kapakanan ng nakararami, ang lahat ay kailangang magsuot ng face mask sa loob ng Embahada;

4. Huwag pumunta sa Embahada kung kayo ay nakakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19, tulad ng lagnat, ubo, masakit na lalamunan at hirap sa paghinga;

5. Sundin ang mga payong pangkalusugan upang makaiwas sa COVID-19, tulad ng:
madalas na paghugas ng kamay o paggamit ng alcohol-based hand sanitizers; pag-iwas sa mga taong may lagnat, ubo, sore throat at nahihirapang huminga; pag-iwas sa paghawak sa mata, ilong at bibig; at pagtakip ng bibig at ilong tuwing uubo o babahing;

6. Pansamantalang iwasan ang pagdalo sa mga malalaking pagtitipon o public gatherings;

7. Kung kayo ay nakakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19, kaagad na tumawag sa Korea Centers for Disease Control and Prevention (KCDC) sa numerong 1339 o 1345 (para sa wikang English o Filipino). Ang KCDC ay handang tumulong sa lahat, kahit ano pa ang inyong visa status sa Korea.

Ang Embahada ay bukas ng Linggo hanggang Huwebes, mula ika-10 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali at mula ika-1 hangang ika-3 ng hapon. Ang mga gustong mag-apply o mag-renew ng passport ay kinakailangang magpa-takda sa website ng Embahada, www.philembassy-seoul.com.

Umaasa ang Pasuguan ng PIlipinas sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan.

Maraming salamat po.

10 Marso 2020

Other Announcements And Advisories


May 04, 2025
Notice of Canvassing for the 2025 Philippine National Elections

Please be notified that the Philippine Embassy in Seoul will conduct the Canvassing for the 2025 National Elections on:

Read More
April 29, 2025
ONLINE GLOBAL TOWNHALL MEETING PATUNGKOL SA ONLINE O INTERNET VOTING, 01 MAY 2025

Inaanyayahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Overseas Filipinos sa South Korea sa isang Online Global Townhall Meeting patungkol sa Online o Internet Voting. Ito'y gaganapin sa Mayo 1, 2025, 9:00 P.M. Korea Time, via Facebook Livestream https://www.facebook.com/comelec.ph. Dumalo at makibahagi sa townhall na ito!

Read More
April 24, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR MAY 2025

The public is advised that the Philippine Embassy in Seoul will be closed for Consular Operations on:

Read More