EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

MENSAHE NI SECRETARY ROSALINDA DIMAPILIS BALDOZ , DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT


Isang mainit at masayang pagbati sa mga mahuhusay at masisipag na manggagawang Pilipino sa ating sama-samang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.

Sa tagal ng aking paninilbihan sa Kagawaran ng Paggawa at Paghahanapbuhay at sa aking pakikisalamuha sa lahat ng uri ng mga manggagawa, ako ay lubos na humahanga sa akanilang husay at kakayahan. Ang kamulatan at kaalaman ng manggagawang Pilipino sa kaniyang mga karapatan at sa mga usaping may kinalaman sa kaniyang pamumuhay ay bukod-tangi . Kapuri-puri rin ang kanyang paghahangad na matuto ng mga bagong kaalaman at matagumpay sa anumang larangan. Ang mga katangiang ito ay lalo pa nating iaangat sa pamumuno ni Pangulong Benigno S. Aquino III na nagatas sa Kagawaran na pag-ibayuhin ang pagkalinga sa ating mga manggagawa, kabilang na an gating mga OFW’s. Isa sa mga repormang ating sinimulan ay ang Labor Enforcement Action Program o LEAP na naglalayong itaas ang anatas ng pagtupad ng maga kompanya sa mga pangunahing batas sa paggawa. Kaugnay nito ay sinimulan rin nating ipatupad ang Single Entry Approach o SENA na naglalayong resolbahin ang mga hindi pagkakasundo sa pagitan ng manggagawa at kompanya sa paraang mabilis, patas, at hindi magastos. Maigting na rin ang ating pagpapatupad ng Republic Act 10022 na nagbibigay ng karagdagang proteksyon sa ating mga bayaring OFWs na patuloy na nagpapatatag sa ating ekonomiya. Patuloy na nakikipag-ugnayan an gating pamahalaan sa mga katuwang nito sa pribadong sector upang higit na palakasin ang pamumuhunan at mga industriya sa bansa nang sa gayon ay marami pa ang magkaroon ng trabaho. Marami pang reporma na nagbibigay kapangyarihan sa mga manggagawa upang maging produktibo an gating isinasagawa sa lipunan. Sa napakahalagang araw na ito, lubos ang aking pasasalamat sa mga union, kalipunan, at organisasyon ng mga manggagawa sa kanilang patuloy na pagpapalawak ng unyonismo at pagkilos para sa kapakanan ng mga mangagawa, katulad ng pagbibigay nila ng mga tulong pangkabuhayan sa kanilang mga kasapi. Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon, “Tuwid na Daan Tungo sa Kaunlaran Para sa Lahat”, ay nananawagan sa sama-sama nating pagtahak sa tuwid na landas tungo sa kaunlaran para sa lahat. Sa katuparan ng mithiing ito, paiigtingin pa n gating Kagawaran ang mga programa, polisiya, proyekto, at serbisyo na makakatulong sa ikagaganda ng kinabukasan n gating mga manggagawa. Patuloy akong nananalig sa inyong angking galling at husay sa loob at labas ng bansang Pilipinas. Muli, isang maligayang pagdirirwang ng Araw ng Paggawa sa ating lahat. Mabuhay ang Manggagawang Pilipino! ROSALINDA DIMAPILIS BALDOZ Secretary DOLE (Signed)

Other Announcements And Advisories


April 29, 2025
ONLINE GLOBAL TOWNHALL MEETING PATUNGKOL SA ONLINE O INTERNET VOTING, 01 MAY 2025

Inaanyayahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Overseas Filipinos sa South Korea sa isang Online Global Townhall Meeting patungkol sa Online o Internet Voting. Ito'y gaganapin sa Mayo 1, 2025, 9:00 P.M. Korea Time, via Facebook Livestream https://www.facebook.com/comelec.ph. Dumalo at makibahagi sa townhall na ito!

Read More
April 24, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR MAY 2025

The public is advised that the Philippine Embassy in Seoul will be closed for Consular Operations on:

Read More
April 19, 2025
SCHEDULE OF FIELD AND MOBILE OVERSEAS VOTING ACTIVITIES FOR THE 2025 NATIONAL ELECTIONS

The Philippine Embassy in Seoul informs the Filipino Community in South Korea and Mongolia on the following schedule of Field and Mobile Overseas Voting activities for the 2025 National Elections.

Read More