EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

MGA PAGHAHANDA AT PAALALA SA MGA PILIPINO SA SOUTH KOREA


Pinapaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa South Korea ang lahat ng Pilipino na manatiling panatag at laging handa sa anumang sitwasyon. Ugaliing manood ng telebisyon, makinig ng radio at magbasa ng mga pahayagan tungkol sa mga kaganapan sa Korean Peninsula.

Mabuting malaman ang pangalan at telepono ng pinuno ng Filipino Community sa inyong lugar. Maaaring makipag-ugnayan sa Embahada para sa mga detalye. • Ang mga numero ng mga serbisyong pampubliko sa inyong distrito, munisipyo o siyudad ay maaari ring tawagan para sa kaukulang impormasyon na maari ninyong kailanganin. Ang lokal na kapulisan ay maaring makontak sa numero 112 at hilingin na mailipat ang inyong tawag sa dibisyon na nangangasiwa sa Ugnayang Panlabas (Foreign Affairs Division). Ang pinakamalapit na migrant centersa inyong lugar ay maaaring lapitan. • Sa mga Pilipinong may mga anak sa Korea, makabubuting makipag ugnayan sa mga Punong-guro ng mga paaralan kung saan nag-aaral ang mga bata at magtanong tungkol sa paghahanda ng paaralan para sa mga pangyayaring hindi inaasahan. Alamin kung papaano maipapaabot sa mga magulang ang ganitong mga kaganapan at siguraduhing tama ang nakalistang numero ninyo sa paaralan. • Makabubuting ang lahat ay laging handa sa anumang pangyayaring hindi inaasahan. Ang mga importanteng dokumento patungkol sa inyo, sa inyong hanapbuhay at inyong mga pamilya ay dapat nakasilid sa isang bag na madaling makuha at nalalaman ng lahat ng kasama sa bahay. • Para sa mga katanungan, maari kayong makipag ugnayan sa anumang hotline numbers ng Embahada 010-9365-2312 o 010-9263-8119 at POLO Hotline number 010-4573-6290.

Other Announcements And Advisories


October 19, 2026
ADVISORY FROM PAG-IBIG FUND KOREA OFFICE FOR 25 OCTOBER 2026

The Philippine Embassy in Seoul wishes to inform the Filipino community that the Pag-IBIG Fund Korea office will be closed on Sunday, 25 October 2026, as the office will conduct onsite service in Changwon City.

Read More
October 18, 2026
ADVISORY: TEMPORARY CLOSURE OF SSS SEOUL, 20-22 OCTOBER AND 27-29 OCTOBER 2026

20-22 October 202627-29 October 2026During these periods, all over-the-counter services and in-person transactions will be unavailable. For inquiries you may send an email to korea@sss.gov.ph  Thank you.

Read More
October 15, 2026
ANNOUNCEMENT: MOBILE CONSULAR SERVICE AND OVERSEAS VOTERS REGISTRATION IN INCHEON

The Philippine Embassy will conduct a Mobile Consular Service in Incheon on 24 October 2026 (Saturday) from 1:00pm to 6:00pm.

Read More