EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

MGA PAGHAHANDA AT PAALALA SA MGA PILIPINO SA SOUTH KOREA


Muling pinapaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa South Korea ang lahat ng Pilipino na tayo ay nananatiling nasa Alert Level 1. Maging panatag at laging handa at ugaliing manood ng telebisyon, makinig ng radio at magbasa ng mga pahayagan tungkol sa mga kaganapan sa Korean Peninsula.

Mabuting malaman ang pangalan at telepono ng pinuno ng Filipino Community sa inyong lugar. Maaaring makipag-ugnayan sa Embahada para sa mga detalye.

• Ang mga numero ng mga serbisyong pampubliko sa inyong distrito, munisipyo o siyudad ay maaari ring tawagan para sa kaukulang impormasyon na maari ninyong kailanganin. Ang lokal na kapulisan ay maaring makontak sa numero 112 at hilingin na mailipat ang inyong tawag sa dibisyon na nangangasiwa sa Ugnayang Panlabas (Foreign Affairs Division). Ang pinakamalapit na migrant centersa inyong lugar ay maaaring lapitan.

• Sa mga Pilipinong may mga anak sa Korea, makabubuting makipag ugnayan sa mga Punong-guro ng mga paaralan kung saan nag-aaral ang mga bata at magtanong tungkol sa paghahanda ng paaralan para sa mga pangyayaring hindi inaasahan. Alamin kung papaano maipapaabot sa mga magulang ang ganitong mga kaganapan at siguraduhing tama ang nakalistang numero ninyo sa paaralan.

• Makabubuting ang lahat ay laging handa sa anumang pangyayaring hindi inaasahan. Ang mga importanteng dokumento patungkol sa inyo, sa inyong hanapbuhay at inyong mga pamilya ay dapat nakasilid sa isang bag na madaling makuha at nalalaman ng lahat ng kasama sa bahay.

• Para sa mga katanungan, maari kayong makipag ugnayan sa anumang hotline numbers ng Embahada 010-9263-8119 o 010-9365-2312 at POLO Hotline number 010-4573-6290.

Other Announcements And Advisories


July 13, 2026
NOTICE OF POSTPONEMENT OF RERB HEARING TO 21 JULY 2026

Please be notified that the Resident Election Registration Board (RERB) of the Philippine Embassy in Seoul, South Korea, originally scheduled to convene on 20 July 2026 at 10:00 A.M., has been postponed to the next working day, 21 July 2026, at 10:00 A.M.  The hearing will be held at the 2F Conference Room, Philippine Embassy, to hear the applications for registration, certification, reactivation, correction of entries or change of name, change of address, transfer, recapture, and other types of applications filed with the Post from 01 April 2026 to 30 June 2026. 

Read More
July 07, 2026
ANNOUNCEMENT: CONSULAR OUTREACH MISSION AND OVERSEAS VOTER REGISTRATION IN YANGJU-SI

The Philippine Embassy in Seoul is pleased to announce a Consular Outreach Mission in Yangju-si on Saturday, 25 July 2026, from 10:00am- 5:00pm.

Read More
July 06, 2026
2026 APPLICATION FOR THE WOOJUNG EDUCATION AND CULTURE FOUNDATION SCHOLARSHIP

Click: Checklist of Required Forms 2026WECF2ndSem 

Read More