EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

PAALA-ALA PATUNGKOL SA PASSPORT RENEWAL


Seoul, 20 Marso 2017 - Pinaaalalahan po ng Embahada ng Pilipinas sa Korea ang ating mga kababayang Filipino na ugaliing alamin at tandaan ang validity nang inyong mga passports. Hinihikayat po namin ang lahat na may hawak ng passports na mayroon na lamang validity na hindi hihigit sa isang (1) taon na mag-renew na ng kanilang mga passports sa kadahilanang ang regular na proseso ay tumatagal ng anim (6) hangang walong (8) linggo.

Ang pag-eextend ng validity ng ePassport ay hindi iminumungkahi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sapagkat may mga bansang hindi tumatangap ng extension stamp at sila ay nagbabatay lamang sa validity date na nasasaad sa electronic chip na napapaloob sa ePassport. Ito ang nagiging sanhi kung bakit may mga indibidwal na nao-offload sa kanilang pagbiyahe o hindi tinatangap sa ibang bansa.

Para naman po sa ating mga Overseas Filipinos na uuwi sa Pilipinas ng maikling panahon lamang, kayo po ay maaring magpa-renew ng inyong mga passport sa Embahada bago kayo bumiyahe at i-request na lamang na ma-release ang inyong bagong passport sa DFA Consular Office sa Aseana, Pasay City o sa pinakamalapit na DFA Satellite o Regional Consular Office.

Para sa kaalaman nang lahat.


-END-

Other Announcements And Advisories


April 29, 2025
ONLINE GLOBAL TOWNHALL MEETING PATUNGKOL SA ONLINE O INTERNET VOTING, 01 MAY 2025

Inaanyayahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Overseas Filipinos sa South Korea sa isang Online Global Townhall Meeting patungkol sa Online o Internet Voting. Ito'y gaganapin sa Mayo 1, 2025, 9:00 P.M. Korea Time, via Facebook Livestream https://www.facebook.com/comelec.ph. Dumalo at makibahagi sa townhall na ito!

Read More
April 24, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR MAY 2025

The public is advised that the Philippine Embassy in Seoul will be closed for Consular Operations on:

Read More
April 19, 2025
SCHEDULE OF FIELD AND MOBILE OVERSEAS VOTING ACTIVITIES FOR THE 2025 NATIONAL ELECTIONS

The Philippine Embassy in Seoul informs the Filipino Community in South Korea and Mongolia on the following schedule of Field and Mobile Overseas Voting activities for the 2025 National Elections.

Read More