EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

PAALAALA SA PAGKUHA NG OEC NG MGA MAGBABAKASYONG OFW


6April 2022, Seoul - Dahil sa bagong patakaran tungkol sa re-entry permit mula 1 April 2022 ayon sa anunsyo ng Korea Immigration Service[1], muling nagpapa-alaala ang Embahada ng Pilipinas sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) dito sa South Korea na nag-nanais magbakasyon tungkol sa bagong procedure sa pagkuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) gamit ang POEA Online Processing System for Balik-Manggagawa (POPs-BaM).

Mangyaring basahin ang kalakip na step-by-step procedure sa pag-gawa ng e-Registration account at pagkuha ng OEC batay sa Abiso nuong 15 Oktubre 2021 sa http://www.philembassy-seoul.com/ann_details.asp?id=12708 at POLO-Korea FB page.


Mahalagang tandaan:

1. Lahat ng OFW ay kinakailangang may e-Registration upang makakuha ng OEC, makagawa ng appointment schedule, at maka-gamit ng POEA helpdesk.

2. Para sa mga hindi nag-change ng employer, makukuha ang OEC exemption online at hindi kailangang pumunta sa POLO o POEA.

3. Para sa mga nag-change ng employer (o nagpa-release), nag-palit visa o jobsite, kailangang gumawa ng appointment sa POLO gamit ang e-Registration account bago magbakasyon upang ma-update ang employment record.

Para sa non-EPS worker, kailangan dumaan sa contract verification procedure ng POLO. Dalhin ang orihinal at photocopy ng kontrata, visa, business registration (apostilled) at profile ng employer sa pag-bisita.

4. Sa pag-gawa ng e-Registration account, siguruhin ang sumusunod:
- Valid ang passport ng at least anim (6) na buwan:
- Huwag gumamit ng "0" sa fields na walang kasagutan
- Wasto ang mga impormasyong inilagay; i-double check ang entries
- Kung nakalimutan ang username o account password, maaring gamitin ang account recovery o kaya magpadala ng help ticket sa HelpDesk

5. Panatilihing aktibo ang OWWA membership.
Para sa karagdagang impormasyon, panuorin ang ginawang Orientation sa POPs-BaM ng Embahada sa https://fb.watch/ceehmbGJox/, o tumawag sa POLO Korea sa telepono 3785-3634/35 (Sunday to Thursday from 10:00 to 4:00 PM). -END-

[1] Source: https://www.immigration.go.kr/immigration_eng/1832/subview.do?enc=Zm5jdDF8QEB8JTJGYmJzJTJGaW1taWdyYXRpb25fZW5nJTJGMjI5JTJGNTU3NTg3JTJGYXJ0Y2xWaWV3Lm

Other Announcements And Advisories


August 07, 2025
ANNOUNCEMENT: CONSULAR OUTREACH IN JEJU, 30-31 AUGUST 2025

The Philippine Embassy wishes to inform the Filipino community that it will conduct a Consular Outreach in Jeju on 30 August 2025 (9:00 AM-6:00 PM) Jeju Counseling Center for Women Migrants, 5, Donam-ro 15-gil, Jeju-si, Jeju-do and 31 August 2025 (8:00 am-12 nn) Citizens’ Welfare Town Plaza, 286, Yeonsam-ro, Jeju-si, Jeju-do, Republic of Korea.

Read More
August 03, 2025
Palarong Pinoy at Family Day sa Jeju! 31 August 2025

The Philippine Embassy warmly invites everyone to the Palarong Pinoy at Family Day sa Jeju! The 3rd edition of the Palarong Pinoy and Family Day event will be held on Sunday, 31 August 2025 from 8:00 A.M. to 12:00 N.N. at the Citizen's Welfare (Shimin Bokji) Town Plaza, 286, Yeonsam-ro, Jeju-si, Jeju-do. 

Read More
July 26, 2025
Listahan ng mga Kalahok sa MWO-OWWA Skills Training Program na Baking 101 sa August 2025

MAHALAGANG PABATID! Narito na po ang opisyal na listahan ng mga kalahok sa darating na Skills Training Program na “BAKING 101” na gaganapin tuwing Linggo mula sa Agosto 3 hanggang Agosto 24, 2025, mula 1:00PM to 5:00PM, sa 3rd Floor, MWO OWWA Bldg., likod ng Embahada.

Read More