EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

PAALALA: MGA OPERASYON PANG-KONSULAR SA 2022


Binabati ng Embahada ng Pilipinas ang publiko ng isang Manigong Bagong Taon.

Sabay ng muling pagbubukas ng Embahada pagkaraan ng pagdiriwang ng Bagong Taon, nais ipaalala sa publiko ang naunang abiso ukol sa implementasyon ng Global Online Appointment System (GOAS) ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas (DFA-Philippines) sa lahat ng Embahada at Konsulado Heneral ng Pilipinas sa buong mundo. Ang GOAS ay matatagpuan sa sumusunod na website: www.passport.gov.ph.

Ang mga aplikanteng nakakuha na ng appointment para sa 2022 sa ilalim ng dating sistema ay hindi na kailangan kumuha ng panibagong appointment gamit ang GOAS. Ang mga aplikanteng senior citizen, PWDs, mga nagdadalang tao, menor de edad na pitong (7) taong gulang or mas bata kasama ang mga magulang ay hindi na kinakailangan na kumuha ng appointment online.

Para sa mga ibang serbisyong konsular (Notarials, Dual Citizenship Retention/Reacquisition, Civil Registry, NBI, and Travel Documents, at iba), tuloy ang paggamit ng umiiral na sistema sa paggawa ng appointment. Para sa mga mag-a-apply ng Philippine Visa, patuloy ang pagtanggap ng mga aplikanteng "walk-in" at ipinapairal ang sistemang "first-come, first-served". Maari ding gumawa ng appointment at magsumite ng requirements sa online portal na visa.gov.ph.

Nananatiling bukas ang Embahada ng Pilipinas para sa serbisyong konsular mula 9:30 am-4:30 pm, Linggo hanggang Huwebes, maliban lamang sa mga araw na pampublikong holiday.

Maraming salamat.

Ika-2 ng Enero, 2022

Other Announcements And Advisories


May 04, 2025
Notice of Canvassing for the 2025 Philippine National Elections

Please be notified that the Philippine Embassy in Seoul will conduct the Canvassing for the 2025 National Elections on:

Read More
April 29, 2025
ONLINE GLOBAL TOWNHALL MEETING PATUNGKOL SA ONLINE O INTERNET VOTING, 01 MAY 2025

Inaanyayahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Overseas Filipinos sa South Korea sa isang Online Global Townhall Meeting patungkol sa Online o Internet Voting. Ito'y gaganapin sa Mayo 1, 2025, 9:00 P.M. Korea Time, via Facebook Livestream https://www.facebook.com/comelec.ph. Dumalo at makibahagi sa townhall na ito!

Read More
April 24, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR MAY 2025

The public is advised that the Philippine Embassy in Seoul will be closed for Consular Operations on:

Read More