EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

PAALALA NA MAG-INGAT SA MGA ONLINE SCAMS


Ang Embahada ng Republika ng Pilipinas sa Korea ay nais paalalahanan ang lahat ng mga kababayan na naninirahan dito sa Korea na mag-iingat sa mga online scams.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga naglipang online scams dito sa Korea:



1. Online Dating Services/Romance Scam.

May nakilala ka sa Facebook at kalaunan, kayo ay nagkaroon ng relasyon "online." Kahit hindi pa kayo nagkita sa personal ay humihingi na ang iyong "partner" ng pera. Kabilang sa mga dahilan ng paghingi ng pera ay investment, o tulong para sa may nangangailangan na kamag-anak sa Pilipinas, o para tustusan ang pangangailangan ng inyong "partner".

2. Mga alok na trabaho sa online.

Mag-ingat sa mga anunsiyo sa social media sites katulad ng Facebook, na nag-aalok ng magandang trabaho at malaking pasahod. Marami sa mga trabahong ito ay sangkot sa mga illegal na aktibidades kagaya ng voice, text, o email phishing na bumibiktima ng mga may edad na Koreano. Kadalasan, ang mga trabahong ibinibigay ay bilang mensahero o tagahatid ng mga kalakal. Ang Filipino ay uutusan ng among Koreano sa pamamagitan ng Facebook, tawag sa telepono, o text lamang.

3. Voice, SMS (text) and/or email phishing.

Ikaw ay nakatanggap ng email, text, tawag sa telepono, o mensahe sa FB messenger at iba pang social media sites mula sa tao o organisasyon na nagpapakilala sa iyo at humihingi ng mga impormasyong personal katulad ng inyong bank account numbers, detalye ng inyong credit card, passwords at iba pang tungkol sa iyong pagkakakilanlan (personal identity).

4. Online selling scam.

Mga patalastas sa social media na nag-aalok ng mga kalakal, kagaya ng mga gadgets sa mababang halaga. Ang mamimili ay kokontakin ng dealer sa pamamagitan ng text o tawag, o message sa FB Messenger at bibigyan ng instruksiyon na ang bayad sa kalakal ay sa pamamagitan ng bank transfer. Maraming pagkakataon na ang mga kalakal ay hindi ipinapadala sa mamimili.

Anu-ano ang mga gagawin kung ikaw ay naniniwalang nabibiktima ka ng mga online scams:

1. Magiging mapaghinala sa mga taong hindi mo kakilala ng lubosan at humihingi sa inyo ng pera o gamit sa pamamagitang ng internet o sa Facebook o sa iba pang networking sites.

2. Huwag magpadala or mag transfer ng pera sa mga taong hindi mo personal na kakilala. Huwag madaliang ipamimigay ang inyong pinaghirapang pera. Alalahanin ninyo na ang perang inyong naipamigay ay hindi na maibabalik sa inyo.

3. Laging tandaan na ang sahod ay katumbas lamang ng trabaho o serbisyo na ginawa o gagawin. Kung ikaw ay inaalok ng napakalaking sahod para sa isang magaan na trabaho, mag-ingat at baka ang trabahong ito ay ilegal o peke.

4. Suriing mabuti ang pagkakakilanlan ng taong nakipag ugnayan sa inyo sa social media. Gumawa ng isang masusing pagsasaliksik patungkol sa kumpanya na inyong gustong pasukan o sa taong nakilala lamang ninyo sa social media.

5. Huwag magbigay ng personal o pampinansyal na impormasyon sa mga tao o negosyo na hindi mo nasuri ang pagkakakilanlan.

6. Palagiang i-secure ang inyong online identity. Ingatan ang inyong mga login activities at passwords.

7. Agad na wakasan ang inyong komunikasyon sa isang pinaghihinalaang scammer.

8. Agad na ipagbigay alam sa police ang insidente. Maaring hindi na maibalik ang iyong pera na naibigay sa scammer ngunit mapipigilan mong mabiktima ang iyong kapwa.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari po kayong tumawag sa ATN Hotline ng Embassy sa numerong 010 9263-8119. END

20 November 2020

Other Announcements And Advisories


June 15, 2025
Special Vocal Workshop with the Nightingales, 22 June 2025 at the 2F Sentro Rizal, Philippine Embassy in Seoul

As part of the activities for Philippine Independence Month, the Philippine Embassy in Seoul in cooperation with the National Commission on Culture and the Arts (NCCA) invites interested individuals to a Special Vocal Workshop to be conducted by the renowned performing duo “The Nightingales” from the Philippines. The Nightingales are composed of Ms. Bernadette Mamauag and Ms. Katrina Marie Saga, who are members of the Philippine Madrigal Singers Company of Artists. The Nightingales have performed extensively in the Philippines and many other parts of the world with a varied repertoire ranging from classical, sacred, Filipino, contemporary and pop, and world music. The duo will be sharing vocal and performance techniques at this activity, further expanding the mission of the Philippine Madrigal Singers of a "Singing Philippines". See you there! 

Read More
June 08, 2025
ANNOUNCEMENT ON THE NEW PHILIPPINE VISA POLICY FOR INDIAN NATIONALS

The Philippine Embassy in Seoul informs the public on the implementation of the following visa policies applicable to Indian nationals starting 08 June 2025:

Read More
June 03, 2025
Livelihood Skills Trainings at Health & Wellness Programs, July-December 2025

Muling inaanyayahan ng Embahada, MWO, at OWWA, ang mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa South Korea na makilahok sa pagpapatuloy ng Livelihood Skills Trainings at Health & Wellness Programs simula buwan ng Hulyo taong 2025!

Read More