EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

PAALALA SA PAGPILI NG TAMANG SERBISYO PARA SA EMBASSY APPOINTMENT


Ang Pasuguan ng Pilipinas sa South Korea ay nagpapa-alala sa mga kababayan na upang maging klaro at maayos ang inyong mga transaksyon sa araw ng inyong appointment, mangyari lamang na palaging piliin ang tama at akmang consular service sa pag-set ng appointment.

Halimbawa, para sa nais magpa-renew ng PASSPORT, mangyaring siguraduhin na ang appointment ay ginawa sa official Embassy website (https://philembassy-seoul.com).

Sa kabilang dako, kung ang kailangang serbisyo naman ay para sa CIVIL REGISTRIES or NOTARIALS, mangyaring mag-set ng appointment sa Facebook Page ng Embahada (PHinKorea).

Mangyaring tingnan ang sumusunod na guide para malaman kung saan makikita ang bawat consular service:

1. Makikita sa Facebook Page ng Embahada (PhinKorea):

- Civil Registries/Travel Document

1. Legal capacity to Contract Marriage (LCCM)
2. Report of Marriage
3. Report of Birth
4. Travel Document (one-way travel to the Philippines, valid only for 30 days)

-Notarials/Citizenship

1. Notary of documents
2. Special Power of Attorney/affidavits/acknowledgements, certificates, etc.
3. Certification of Driver's License
4. NBI Clearance
5. Embassy ID
6. Natural Born Certificate
7. Renunciation of Philippine Citizenship
8. Dual Citizenship

2. Makikita sa Embassy Website:

- Passport application (new)
- Passport renewal

Ang mga appointment para sa maling serbisyo (halimbawa: nagpa-appointment sa Civil Registries ngunit ang kailangang serbisyo ay passport renewal) ay kakanselahin para mabigyang-puwang ang mga kababayan na nangangailangan ng tamang service at schedule.

Kung kayo ay isa sa mga kababayang apektado ng bagong alituntunin ng Korea Immigration Service (KIS) sa VISA renewal at hindi kayo makahanap ng appointment, mangyaring mag-email sa consular@philembassy-seoul.com kalakip ang mga sumusunod na impormasyon: (1) kopya ng data page ng passport, (2) contact details, at (3) maikling paliwanag ng inyong sitwasyon.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa. END


18 April 2021

Other Announcements And Advisories


August 14, 2025
PAALALA UKOL SA LAGAY NG PANAHON, 14 AGOSTO 2025

In view of the heavy precipitation affecting many parts of Korea, Filipinos in Korea are advised to exercise caution, monitor weather updates issued by the Korean government, and avoid high-risk areas, especially those prone to flooding or landslides during this period of heavy rain.

Read More
August 07, 2025
ANNOUNCEMENT: CONSULAR OUTREACH IN JEJU, 30-31 AUGUST 2025

The Philippine Embassy wishes to inform the Filipino community that it will conduct a Consular Outreach in Jeju on 30 August 2025 (9:00 AM-6:00 PM) Jeju Counseling Center for Women Migrants, 5, Donam-ro 15-gil, Jeju-si, Jeju-do and 31 August 2025 (8:00 am-12 nn) Citizens’ Welfare Town Plaza, 286, Yeonsam-ro, Jeju-si, Jeju-do, Republic of Korea.

Read More
August 03, 2025
Palarong Pinoy at Family Day sa Jeju! 31 August 2025

The Philippine Embassy warmly invites everyone to the Palarong Pinoy at Family Day sa Jeju! The 3rd edition of the Palarong Pinoy and Family Day event will be held on Sunday, 31 August 2025 from 8:00 A.M. to 12:00 N.N. at the Citizen's Welfare (Shimin Bokji) Town Plaza, 286, Yeonsam-ro, Jeju-si, Jeju-do. 

Read More