EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

PAANYAYA PARA SA REGISTRATION NG MGA FILIPINO COMMUNITY ORGANIZATIONS


Malugod pong inaanyayahan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul ang lahat ng mga samahan o organisasyon na binubuo ng ating kababayan sa iba't-ibang panig ng Korea, na hindi pa rehistrado bilang Filipino Community Partner ng Embahada, na magsumite ng aplikasyon para sa kanilang registration sa pamamagitan ng paggamit ng sumusunod na online link:

https://forms.gle/QaQG2f7DVkKxZ8st9.



Ang mga impormasyong ipagkakaloob ay masusing pag-iingatan ng Embahada. Subalit, nais din sanang hingin ng Embahada ang kanilang pagsang-ayon na ang lahat ng kaukulang impormasyon ay malaya nitong ibinabahagi para sa katuparan mga lehitimong layunin ng Embahada, tulad ng paglulunsad ng isang talaan o online directory at isang bulletin board para sa mas epektibong ugnayan at pagbabahagi ng mga impormasyon at proyekto ng mga rehistradong samahan.

Ang Certificate of Registration bilang Filipino Community Partner ay wala pong bayad at may bisa na hanggang dalawang (2) taon simula sa araw ng pagkakatalaga.

Magkakaroon ng pormal na paggawad ng Certificate of Registration sa 18 Hunyo 2022 sa gaganaping 2nd Filipino Community Leaders' Forum. Kaya kung maaari po ay ipadala na sa Embahada ang aplikasyon bago mag ika-12 ng Hunyo 2022.

Maari pong sumangguni sa Embahada sa email: consular@philembassy-seoul.com (cc: seoul.pe@dfa.gov.ph, polokor@gmail.com) para sa anumang katanungan at karagdagang kaalaman.

Maraming salamat po.


31 Mayo 2022.

Other Announcements And Advisories


August 07, 2025
ANNOUNCEMENT: CONSULAR OUTREACH IN JEJU, 30-31 AUGUST 2025

The Philippine Embassy wishes to inform the Filipino community that it will conduct a Consular Outreach in Jeju on 30 August 2025 (9:00 AM-6:00 PM) Jeju Counseling Center for Women Migrants, 5, Donam-ro 15-gil, Jeju-si, Jeju-do and 31 August 2025 (8:00 am-12 nn) Citizens’ Welfare Town Plaza, 286, Yeonsam-ro, Jeju-si, Jeju-do, Republic of Korea.

Read More
August 03, 2025
Palarong Pinoy at Family Day sa Jeju! 31 August 2025

The Philippine Embassy warmly invites everyone to the Palarong Pinoy at Family Day sa Jeju! The 3rd edition of the Palarong Pinoy and Family Day event will be held on Sunday, 31 August 2025 from 8:00 A.M. to 12:00 N.N. at the Citizen's Welfare (Shimin Bokji) Town Plaza, 286, Yeonsam-ro, Jeju-si, Jeju-do. 

Read More
July 26, 2025
Listahan ng mga Kalahok sa MWO-OWWA Skills Training Program na Baking 101 sa August 2025

MAHALAGANG PABATID! Narito na po ang opisyal na listahan ng mga kalahok sa darating na Skills Training Program na “BAKING 101” na gaganapin tuwing Linggo mula sa Agosto 3 hanggang Agosto 24, 2025, mula 1:00PM to 5:00PM, sa 3rd Floor, MWO OWWA Bldg., likod ng Embahada.

Read More