EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

#PinoyFoodinKorea Challenge


Sa pangunguna ng ating Charge d' Affaires Christian L. De Jesus ng Embahada ng Pilipinas sa Korea, kami po sa Philippine Department of Tourism (PDOT)-Korea ay inaanyayahan kayong sumali sa aming #PinoyFoodinKorea food challenge.

Ang #PinoyFoodinKorea ay isang crowd-sourcing event sa Social Media mula Hunyo 12 hanggang Hunyo 30 sa pakikipagtulungan ng Philippine Agriculture Office at ng Philippine Overseas Labor Office sa Korea. Sa pamamagitan ng mga video ng pagkain Pinoy, inaasahan namin na mahihikayat ang mga turistang Koreyano at mga kababayan natin na maglakbay pabalik sa Pilipinas pagkalipas nitong pandemya.



Pipili kami ng mga mananalo sa food challenge na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang nakalakip na e-poster para sa mga premyo. Ang mga kalahok na entry ay maaari naming gamitin para sa Social Media. Kung hindi man kayo mapili, makakatulong pa rin kayo sa ating Philippine tourism promotion dito sa Korea.

Upang sumali sa food challenge, sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:
1) Lumikha ng isang Pinoy food video,
2) I-upload ang inyong video sa Instagram, Facebook, Tiktok, o Youtube,
3) Gumamit ng mga hashtags na #PinoyFoodinKorea at #????????inKorea, at
4) Gawing pampubliko ang iyong video (hindi mabibilang ang iyong entry kung ito'y pribado).

Mga karagdagang tip sa inyong Pinoy food video:
1) Ito ay maaaring nasa wikang Ingles, Filipino, Korean o background music lang.
2) Hangga't maaari, ang video ay maikli at hindi lalagpas sa tatlong (3) minuto.
3) Maaring lumikha at magpadala ng maraming entry ang bawa't isa.
4) Ito rin ay maaring naglalaman ng iyong pagluluto, pagkain (mukbang style) ng Pinoy food, tourist spot sa Pilipinas bilang background o anumang anggulo ng kwento, hangga't ito'y masaya, malikhain, at hindi bulgar o nakakapanakit.
5) Hinihikayat namin ang paggamit ng mga sangkap o produktong pagkain ng Pilipinas na mabibili sa Korea.
6) Ang food challenge na ito ay para lamang sa mga kababayan natin, mga Koreyano, at ibang lahi na kasalukuyang naninirahan sa Korea.

Hinihiling namin ang inyong tulong sa pagpapalaganap ng impormasyon sa ating mga kababayan at sa inyong mga katrabaho o kaibigang Koreyano para sa pagsali sa #PinoyFoodinKorea food challenge.

Para sa anumang katanungan, maaring makipag-ugnayan kay Jake Velasco sa numerong 02-598-2290 o sa pamamagitan ng email sa jake@philippinetourism.co.kr.

Maraming salamat po sa inyong suporta. Sali na!

Other Announcements And Advisories


August 14, 2025
PAALALA UKOL SA LAGAY NG PANAHON, 14 AGOSTO 2025

In view of the heavy precipitation affecting many parts of Korea, Filipinos in Korea are advised to exercise caution, monitor weather updates issued by the Korean government, and avoid high-risk areas, especially those prone to flooding or landslides during this period of heavy rain.

Read More
August 07, 2025
ANNOUNCEMENT: CONSULAR OUTREACH IN JEJU, 30-31 AUGUST 2025

The Philippine Embassy wishes to inform the Filipino community that it will conduct a Consular Outreach in Jeju on 30 August 2025 (9:00 AM-6:00 PM) Jeju Counseling Center for Women Migrants, 5, Donam-ro 15-gil, Jeju-si, Jeju-do and 31 August 2025 (8:00 am-12 nn) Citizens’ Welfare Town Plaza, 286, Yeonsam-ro, Jeju-si, Jeju-do, Republic of Korea.

Read More
August 03, 2025
Palarong Pinoy at Family Day sa Jeju! 31 August 2025

The Philippine Embassy warmly invites everyone to the Palarong Pinoy at Family Day sa Jeju! The 3rd edition of the Palarong Pinoy and Family Day event will be held on Sunday, 31 August 2025 from 8:00 A.M. to 12:00 N.N. at the Citizen's Welfare (Shimin Bokji) Town Plaza, 286, Yeonsam-ro, Jeju-si, Jeju-do. 

Read More