Pistang Pinoy sa Korea 2026, 14 June 2026
Mabuhay!
Bilang paggunita sa 128th Philippine Independence Day at 31st Migrant Workers Day, inaanyayahan ang lahat ng mga kababayan dito sa Korea, pamilya, at mga kaibigan na makiisa sa isang araw na puno ng saya, pagmamalaki, at bayanihan!
Sama-sama nating ipagdiwang ang ating mayamang kultura, pagkakaisa, at pagiging Pilipino dito sa Korea sa isang masigla at masayang pagtitipon para sa Pistang Pinoy sa Korea 2026! Asahan ang makulay na parada, cultural performances and talent showcase.
Pagkakataong muling magsama-sama bilang isang komunidad.
Venue: Seoul Battleship Park
Petsa: June 14, 2026
Oras: 7:30 AM – 2:00 PM
Halina’t ipakita natin ang init ng pusong Pilipino at buhayin ang diwa ng ating kultura dito sa Seoul!
Dalhin ang inyong pamilya, barkada, at ngiting tunay na Pinoy!
May 20, 2026
May 20, 2026
May 20, 2026
