EMBASSY OF THE REPUBLIC
OF THE PHILIPPINES


SEOUL REPUBLIC OF KOREA

Announcements And Advisories

REACTIVATION OF OVERSEAS VOTER REGISTRATION, UP TO 9 DECEMBER 2015


Ang lahat ng mga deactivated Filipino overseas voters sa South Korea ay maaring makapagpareactivate ng overseas voter registration hanggang ika-9 ng Disyembre 2015. Matatandaang, isinapubliko ng Embahada sa pamamagitan ng official facebook account nito ang listahan ng mga deactivated voters noong Setyembre 2015.

Nangangahulugan lamang na bagamat ang itinalagang deadline ng filing ng aplikasyon sa Embahada para sa overseas voter registration ay sa ika-29 ng Oktubre 2015, ang aplikasyon para sa REACTIVATION ay maaaring maisumite hanggang ika-9 ng Disyembre 2015 gaya ng nabanggit. Ang extension ay alinsunod sa pagpupulong ng COMELEC en Banc na ginanap noong ika-6 ng Oktubre 2015. Maaaring ipadala ang aplikasyon sa pamamagitan ng pag-email sa overseasvoting.reactivation@comelec.gov.ph o pagfa-fax sa (+632) 521-2952. Maaari ring magtungo at magsumite sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul mula Lunes hanggang Huwebes (9am-3pm) at Linggo (9am - 4pm). Salamat po!

Other Announcements And Advisories


April 29, 2025
ONLINE GLOBAL TOWNHALL MEETING PATUNGKOL SA ONLINE O INTERNET VOTING, 01 MAY 2025

Inaanyayahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng Overseas Filipinos sa South Korea sa isang Online Global Townhall Meeting patungkol sa Online o Internet Voting. Ito'y gaganapin sa Mayo 1, 2025, 9:00 P.M. Korea Time, via Facebook Livestream https://www.facebook.com/comelec.ph. Dumalo at makibahagi sa townhall na ito!

Read More
April 24, 2025
HOLIDAY NOTICE FOR MAY 2025

The public is advised that the Philippine Embassy in Seoul will be closed for Consular Operations on:

Read More
April 19, 2025
SCHEDULE OF FIELD AND MOBILE OVERSEAS VOTING ACTIVITIES FOR THE 2025 NATIONAL ELECTIONS

The Philippine Embassy in Seoul informs the Filipino Community in South Korea and Mongolia on the following schedule of Field and Mobile Overseas Voting activities for the 2025 National Elections.

Read More