BALIK SAYA SA SOUTH KOREA HANDOG NG DMW-OWWA

By: Embassy of the Republic of the Philippines, SEOUL

Muling ipinaaabot ng Embahada ang paanyaya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang dumalo ang ating mga kababayan sa Balik Saya sa South Korea Handog ng DMW-OWWA sa ika-26 ng Marso 2023, mula 1:30 ng hapon sa Dongsung High School Auditorium, Jongno-gu, Seoul.

Magkakaroon po tayo ng misa sa pangunguna ng SFCC Chaplain Fr. Nilo Pacuribot MSP, na susundan ng programa kasama si OWWA Administrator Arnell Ignacio, ang OFW Got Talent showcasing the top 10 finalists, at free Musical Concert featuring The Clash 2020 Grand Champion Jessica Villarubin at singer/comedian na si Boobay.

Ang programang ito ay gaganapin sa pakikipagtulungan ng Embahada, MWO-OWWA, the Seoul Filipino Catholic Community (SFCC) at ating mga Filipino Community organizations at institutional partners. Admission is free!

Magkita-kita po tayo, kabayan!