PAANYAYA: Pistang Pinoy sa Korea 2023!

By: Embassy of the Republic of the Philippines, SEOUL

Bilang pagdiriwang sa ika-125th Philippine Independence Day at ika-28th National Migrant Workers Day, malugod na inaanyayahan ng Embahada at Migrant Workers Office ? OWWA ang ating mga Filipino community at kababayan sa "Pistang Pinoy sa Korea 2023" na gaganapin sa ika- 11 ng Hunyo 2023, Linggo, mula 9:30 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon, sa Marronier Park, Jongno-gu, Seoul.

Sama-sama nating dakilain ang araw ng ating Kalayaan sa pamamagitan ng espesyal na programa at cultural parade, at makilahok sa mga palaro, booths at papremyo.

Magparehistro sa pamamagitan ng https://www.jotform.com/build/231192572215047. Libre po ang pakikilahok dito!

Magkita-kita po tayo, kabayan!