PAANYAYA SA ATING MGA KABABAYAN SA SOUTH KOREA - PISTANG PINOY 2024

By: Embassy of the Republic of the Philippines, SEOUL

Makisali sa Pistang Pinoy 2024!

Sama-sama nating ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, at Pambansang Araw ng Migranteng Manggagawa sa ika-9 ng Hunyo 2024, Linggo, 9:30 am.-3:00 p.m. Ito ay gaganapin sa kauna-unahang pagkakataon sa Busan city, sa outdoor plaza ng Busan Eurasia Platform.

Ang Pistang Pinoy 2024 ay isa ring kaganapan sa pag-gunita ng ika-75 taon ng Relasyong Diplomatiko ng Republika ng Pilipinas at Republika ng Korea, kung kaya't sa espesyal na araw na ito, makakasama natin ang mga panauhing pangdangal at ang natatanging partisipasyon ng WishBus 107.5 at mga hinahangaan nating mang-aawit na galing sa Pilipinas.

Makiisa sa makulay at masayang Parada ng Pistang Pinoy kasama ang mga Filipino community organizations kung saan pipiliin ang Best in Philippine Festival Parade (para sa detalye, bisitahin ang link https://bit.ly/phparade2024).

Sumali din sa OFW Got Talent, kung saan ang mapipili ay makakasama sa mga piling mang-aawit sa launching event ng WishBus 107.5 (para sa detalye, bisitahin ang link https://bit.ly/ofwgottalent24)

Sali na, kabayan!

Magparehistro sa link na ito: https://bit.ly/pidkr2024

Magkita-kita po tayo!

Maraming Salamat po.