• HOME › ANNOUNCEMENTS › PAALA-ALA PATUNGKOL SA PASSPOR... |
Seoul, 20 Marso 2017 - Pinaaalalahan po ng Embahada ng Pilipinas sa Korea ang ating mga kababayang Filipino na ugaliing alamin at tandaan ang validity nang inyong mga passports. Hinihikayat po namin ang lahat na may hawak ng passports na mayroon na lamang validity na hindi hihigit sa isang (1) taon na mag-renew na ng kanilang mga passports sa kadahilanang ang regular na proseso ay tumatagal ng anim (6) hangang walong (8) linggo.